Wednesday, August 30, 2017

ANG PAASA  AT ANG MANHID

                          Paasa, sila yung mga taong nagpaparamdam na mayroon din silang nararamdaman para sa'yo kahit ang totoo wala naman o kaya isa ka lang sa option nila. Karaniwan sila yung mga taong ang laging  sagot kapag tinatanong mo kung may pag-asa ka  ay,  " siguro, pwede, ewan, let's see, kung ganito, need ko ng 5 years o kaya naman time, uhm uhm, wait lang, pag-iisipan ko at marami pang ibang palusot para UMASA ka." 
                              Nakakainis ang mga taong kagaya  nila kasi minsan para kang pagkain sa paningin nila, laging isa ka sa choices, isa ka sa least priority and worst isa ka sa laruan nila o kaya gamit na kapag ayaw na nila  iiwan na lang o ibibigay sa iba at kung minsan tinatapon na lang. Umaasa ka sa wala kasi nga nagbigay siya/ sila ng motibo na mayroon din silang nararamdaman.... na may chance ka na makuha ang pagtingin o pagmamahal nila.  
Bakit nga ba maraming PAASA sa mundo?
                        Ito ba ay dahil sa 'di ka nila trip o mahal kagaya ng pagmamahal mo sa kanila, takot silang masaktan o talagang hindi ka isa sa priorities nila sa buhay.
                            Maraming dahilan ang mga tao, iba't iba at hindi maintindihan ng iba pero kung tunay kang umiibig maiintindihan mo na hinahanda lang niya ang puso niya sa tamang taong iibigin niya at sa tamang panahon. 


                    Ang MANHID naman sa kabilang banda ay mga taong walang pakiramdam, sila yung mga taong walang paki alam kung nasasaktan ka na o kung minamahal mo sila. Hindi nila ramdam ang presensya mo as if wala ka doon sa tabi nila. Tinatawag din silang bato, dahil ang puso nila sintigas na nga ng bato wala pang nararamdaman, naoverdose ng anaesthesia kaya walang pakialam.



                    Overall, bilang isang taong nagmamahal kailangan mong maghintay ng tamang tao na para talaga sa'yo at sa tamang panahon na talagang handa ka nang akuin ang responsibilidad. Ang pagmamahal ay nakapaghihintay sa tamang tao, pagkakataon, panahon at rason. Nangangailangan ito ng masusing paghahanda upang hindi maging kaawa-awa kapag nasaktan. Hintaying maging mature ang pag-iisip at puso bago mag-mahal dahil wala ng sasaya sa pag-ibig  na pinaghirapan, hinintay at pinaghandaan.

                 Sa mga taong nagmamahal ng mga PAASA at MANHID, huwag kayong mawalan ng PAG-ASA. Maaaring hindi lang talaga siya ang para sa'yo. Huwag kang mag-alala, TIWALA lang mahahanap mo rin siya. 

15 comments:

  1. HAHA..hugot na hugot
    But girl, just asking ..na-experienced mo na din ba yan.. kung either manhid? or naging paasa ka man?

    ReplyDelete
  2. hahahaha Mr. GG gets mo na yung laman ng blog niya ??
    Saan ka ba humuhugot ah men ???

    ReplyDelete
  3. Hahahaha.. nahanap ko na po!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  4. Ang lahat ng bagay bagay sa mundo ay may tamang oras na nakalaan. Sabi nga huwag sugod ng sugod matutong magisip---- AiShai

    ReplyDelete
  5. aba malupet! so far ito ang the best blog na nabasa ko xD

    ReplyDelete
  6. Hahaha oo abby wag mawalan ng pag asa ! Haha. Fighting !

    ReplyDelete
  7. abby.............................bakit pa nga bah kase may mga taong manhid at paasa msa mundo noh ,,..

    ReplyDelete
  8. Paasa ka din naman Abby ^^ .. ahahahaha

    ReplyDelete
  9. Continue being a PAASA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! xD

    ReplyDelete
  10. hmmmm...abe my dear....tuloy lang yan pagiging hugotera...aniways..its one way for us ladies to express our feelings... :)...checked and recorded!!!

    ReplyDelete

"Bye" It's been years of laughter and tears A memorable dates of  misunderstandings and upsetting secrets Those smi...